When “prepared” turns into panic: The real cost of taking more than we need
- Konekonek Team

- Mar 26
- 3 min read

Let's be real: for Filipinos, it's natural to be ready. But there's a thin line between being "ready" and being "greedy". Mula pa nung time ni President Cory until today, matindi na ang tendency natin na mag-panic buying tuwing may napabalitang bagyo, lindol, o kahit konting pitik lang sa presyo ng langis dahil sa iba't-ibang factors gaya ng conflict sa Middle East.
Pero bago mo i-cart lahat ng sardinas sa grocery, pag-isipan mo muna: Nakakatulong ba talaga 'to, o nagiging "kontrabida" lang ba tayo sa buhay ng mga kapitbahay natin?
"Kaba-Shopping", then and now
Hindi na bago ang eksenang parang may The Walking Dead sa supermarket. Naaalala mo ba ang mga panahong ito?
The 80s & 90s (Cory Era): Noon, hindi lang bagyo ang inaalala, kundi pati kudeta, pagsabog ng Mt. Pinatubo, at ang Gulf War. Dahil dito, nag-unahan ang mga tao sa bigas at nag-imbak gasolina.
The 2008 Rice Crisis: Nung panahong ito, parang mas mahaba pa ang pila sa bigas sa NFA kaysa sa audition ng Pinoy Big Brother. Dahil sa takot na maubusan, nag-hoard yung iba, na dahilan para lalong tumaas ang presyo.
The 2020 'Alcohol Olympics': Panahon ng COVID-19 naging parang "liquid gold" ang alcohol. 'Yung kapitbahay mong hindi naman mahilig maghugas ng kamay dati, biglang may 20 gallons ng Isopropyl sa ilalim ng kama.
Present Day (2022-2026): These days, konting tension lang sa labas ng bansa, may pila na agad sa mga gasolinahan. At wag nating kalimutan ang "Sugar Rush" noong 2022 kung kailan sobrang naging mahal ang asukal.
Hindi 'to OK - in fact, bawal ito
Minsan, akala natin ay nakaka-"wais na misis" o "madiskarteng mister" ang pag-ho-hoard. Pero sa totoo lang, ito talaga ang epekto niyan:
Artificial Scarcity: Kapag kinuha mo ang sampung bote ng alcohol kahit isa lang ang kailangan mo sa panahon ng matinding pangangailangan, you are depriving nine other people. Mas lalong nagkakaubusan, so mas lalong tataas ang presyo.
Kawawa si Kapitbahay: Isipin mo rin ang kapitbahay mong kakaunti lang ang budget para mag-grocery - pagdating nya dun, ubos na dahil kinuha mo na lahat para i-stock ang pantry mo.
The Price Act (RA 7581): Most importantly, alam mo bang illegal ang maging "hoarder"? The government has the power to impose price ceilings and even raid bodegas. Hindi lang konsensya ang kalaban mo, pati ang batas.
Ang tamang diskarte: "Planning Ahead" at "Just Enough"
Sabi nga ng mga matatanda, Lahat ng sobra ay nakakasama. Kaya naman mas maganda magkaroon ng "Just Enough" mindset.
Here's why the "Just Enough" mindset is the SMARTER mindset:
1. Iwas Sayang, Iwas Tapon - Sa gitna ng panic, madaling malimutan na may expiration date ang de-lata at gamot. Ang ending, kailangan ding idispose ang mga hinoard at nag-expire na goods.
2. Financial Sustainability - Overspending and panic buying can deplete your emergency funds that can cover other issues like sudden hospitalization or house repairs. Thoughtfully planning out your purchases will give you financial breathing room.
3. Community Resilience (Bayanihan Spirit) - If every family just buys enough goods for their household, prices remain stable. Walang "artificial shortage." When we're calm, the market remains calm. This way, we can make sure everyone in the neighborhood has enough to go by. Tandaan: Everybody benefits if the community is safe and healthy.
4. Peace of Mind - Hoarders are always anxious—laging iniisip kung enough ba ang binili nila, kung mananakawan ba sila, o kung paubos na ang meron sila. On the other hand, people who plan know the answers to all these worries: They know because they have a system in place.
Be a Leader, not a Hoarder
It's not about how many you have stocked in your pantry; it's how you look after each other in your community. Kung bibili ng sapat lang, sakto ang supply for everyone.
So let's not cause any undue panic! A calm mind is better than a full cart. Tandaan: It is easier to overcome any pandemic or disaster if we're all in this together.


Comments