Suggestion lang po: No Apprehension, No Stress (?)
- Konekonek Team

- Mar 12
- 2 min read
In the middle of skyrocketing gas prices, an idea from the House Committee on Transportation: What if for two weeks meron tayong temporary “no-apprehension” policy for motorists?
The logic? Bigyan muna ng konting ginhawa ang mga tao habang lahat ay hirap dahil sa taas ng fuel prices.
On social media, mabilis ang reax: May napa-“Sana all.” May napa-“Pwede pala ‘yon?” At siyempre, meron ding napa-“Teka nga, wait lang…”
Let's take a look at the (imagined) pros and the (very real life) cons of this proposal, shall we?
The “Pros” (Naisip ko sa imagine ko...)
1. Walang huli, walang kaba
For two weeks, at least. May ilaw, pero walang takot. No need to play any kind of traffic violation bingo sa bawat kanto.
2. Tipid sa abala, tipid sa bulsa (daw)
Kung walang apprehension, walang fines. At kung walang fines, pwedeng idagdag pambili ng gasolina—kahit pang-motor lang.
3. Psychological relief
Hindi man bumaba ang presyo ng gas, kahit papaano siguro ay bababa ang... blood pressure. Malaking bagay na rin ‘yon.
4. Feeling extended grace period
Alam mo yung feeling na late ka na sa deadline tapos sasabihan ka ng boss mo na “Sige, next week na lang.” Saya, 'di ba?
The Cons (Real talk)
1. “No apprehension” ≠ “No accident”
Kahit naman walang apprehension... Gravity still exists. May Physics pa rin. At may pedestrian pa rin. Ang batas ng kalsada ay hindi naka–fuel price index.
2. Kalituhan sa implementasyon
Who and what are covered? Aling violations ang exempted? Dalawang linggo lang ba talaga? Bakit di pa gawing tatlo? Sa Pilipinas, minsan mas mabilis pa ang tsismis kaysa memo.
3. Risk ng abuse
Kapag may butas, may susubok at susubok lumusot. Ang “temporary” ay puwedeng maging “bahala na”, lalo na kung hindi malinaw ang limits.
4. Stress sa traffic enforcers
Kung bawal manghuli pero may violation, ano ang gagawin—tititigan lang nang masama? Hindi lahat ng problema nadadaan sa tingin.
5. Precedent problem
Kapag tumaas ulit ang gasolina, uulitin ba? Paano kung bigas naman? O kuryente?
tl;dr: Ginhawa ba o Gulo lang?
It's clear that the intention is to help ordinary motorists. Sa panahon ng mahal na bilihin, any idea that suggests "rest" or "reprieve" will always be welcome. Madaling yakapin ang kahit anong nagsusuggest ng "pahinga".
Pero sa kalsada, disiplina ang tunay na currency, hindi gasolina.
Kung pansamantalang mawawala ang enforcement, dapat nga doble pa ang paglilinaw ng rules at triple ang paalala na ang ang pinakamahalaga ay kaligtasan ng lahat. Never ito pwede maging 'on hold', ever.
Sa huli, baka nga tamang tanong ay ito: Puwede bang maging “no apprehension” sa papel, pero “full responsibility” sa realidad?
Kung oo, e 'di swerte. Kung hindi—trapik, disgrasya, at mas malalaking problema pa ang posibleng kapalit.



Comments