top of page
FINAL_Konekonek Working Logo.png
FINAL_Konekonek Working Logo.png

Mahal ang gasolina? Ngayong Year of the Horse?

  • Writer: Konekonek Team
    Konekonek Team
  • Mar 11
  • 2 min read
So... nugagawen?
So... nugagawen?

Sa bilis tumaas ng presyo ng gas ngayon, parang gusto mo na ring makisama na lang sa mga nakasakay ng kabayo habang nasa drive-thru, gaya ng mga viral post ngayon sa social media.


Dumating na nga ba tayo sa point na OUT na ang e-vehicles, at IN na (ulit?) ang mga (e-)kabayo? How realistic would that be? If ever... magkano nga ba talaga bumili at mag-alaga ng kabayo kumpara sa pagkakaroon ng kotse? (Asking for a friend)


Let’s gallop through the facts.


Ang Kabayo: The OG Transportation with Zero Gasoline.


Ang tanong... Magkano?

Well, depende sa breed, pero pwede ka na bumili ng kabayo sa halagang:

  • ₱1,000 – ₱130,000 according to Philippine horse listings.

  • Most riding horses realistically cost ₱25,000 – ₱70,000, while premium breeds can reach ₱75,000+. [Source]

Ayos! Mas mura pa nga kesa iPhone.


Magkano naman mag-alaga ng kabayo per month?

Kung akala mo damo lang kinakain nyan— hindi, beh. Pero compared sa gas prices… baka pwede na rin.


Actual Monthly Cost Breakdown (Source)

  • Feed & Bedding: ₱8,500 – ₱17,000

    (Converted from $150–$300)

  • Farrier (pang‑pedicure ni kabayo): ~₱1,500 – ₱5,500

    (Shoeing/trimming costs every 6–8 weeks) [Source]

  • Vet Care: ₱2,800 – ₱8,500 (Routine check-ups, vaccines)

  • Equipment & Grooming: ₱1,100 – ₱5,600

  • Boarding (kung wala kang sariling lupa): commonly ₱8,000 – ₱20,000 per month in the Philippines (aligned with the global ₱17k–₱57k equivalent).

TOTAL: ₱22,000 – ₱56,000 per month

Medyo masakit sa bulsa… pero at least hindi kailangan ng unleaded or diesel.


Ang Kotse: Mahal ang Gas, Malungkot ang Wallet

Hindi na bago sa atin:Pag tumaas ang gas, bigla kang nagiging “financially spiritual” — napapadasal habang humahawak sa fuel pump.


 Magkano ang kotse?

Depends sa model, pero kahit second‑hand:

  • ₱300,000 – ₱500,000 minimum for old sedans.

  • Brand‑new? Alam mo na. Kasama na doon yung kaluluwa mo.


Monthly Cost of Owning a Car (Typical PH Driver)

Car Expense

Typical Cost

Fuel

₱5,000 – ₱15,000+ (depende sa biyahe)

Maintenance

₱1,000 – ₱4,000 monthly equivalent

Parking

₱1,000 – ₱5,000

Insurance & Registration

₱1,000 – ₱3,000 monthly equivalent

TOTAL: ₱8,000 – ₱27,000 per month

Verdict: Mas mura kaysa kabayo — pero mas unstable dahil sa “petroleum mood swings.”


TL;DR - Ano ang mas sulit? Kabayo o Kotse?

Kotse Pros:

  • May aircon.

  • Hindi tumatae habang nagda-drive ka.

  • Hindi kakainin ang halaman ng kapitbahay.

Kabayo Pros:

  • ZERO gas consumption.

  • Pwede kang maging “Lodi Horse Whisperer ng Barangay.”

  • Viral ka sa social media pag nag-drive‑thru gamit kabayo.

  • Environment‑friendly — unless magalit at sumipa.

Kabayo Cons:

  • Monthly cost can reach ₱22k–₱56k (feed, vet, farrier).

  • Hindi waterproof pag umuulan.

  • May sariling “check engine” light = pag tumigil siya at ayaw gumalaw.



Final Verdict: Sino ang Panalo?

Kung gas prices lang ang problema, the horse sounds like a solution. Pero kung:

  • wala kang farm,

  • ayaw mo ng monthly cost na kasing laki ng kuryente + tubig + internet + groceries,

  • at di mo trip amuyin ang kabayo poop

Then baka mas practical pa rin ang kotse.


Pero kung gusto mong maging main character sa buhay mo —the kind na nagpa‑park ng kabayo sa McDo habang kumukuha ka ng takeout...


Kabayo na, bes. Doon tayo sa dramatic.


Comments


bottom of page