Lunar Eclipse Watch Party: Pinoy 'Moon Movies' to stream during the eclipse
- Konekonek Team

- Mar 2
- 2 min read

Did you catch the recent Lunar eclipse? Naabutan mo man o hindi, malamang hanggang ngayon, nakatingala ka pa rin sa langit. Kung feeling astronomer ka pa rin o nabitin sa "Blood Moon" experience mo, don't worry! Here are 5 Filipino moon-themed movies na pwedeng-pwede mong i-marathon, may eclipse man o wala.
Fly Me To The Moon (1988)
a.k.a. Moon Landing Comedy Classic
tl;dr--Tito, Vic, at Joey sa outer space, featuring classic TVJ punchlines. Ang pelikulang ito ng Regal Films ay isang fantasy-adventure na mas nakakaaliw pa kaysa sa actual moon landing. Sino ba naman ang may kailangan pa ng oxygen kung pwede namang tumawa na lang??
Under a Piaya Moon (2024)
a.k.a. Masarap Pa sa Blood Moon Movie
Bago lang ito, freshly baked! Hindi ito sci-fi, pero literal na "sweet" ang story. Set in 1980s Bacolod, tungkol ito sa isang lalakeng gustong ipagpatuloy ang baking legacy ng pamilya nila. Bakit "Moon"? Kasi kasing-bilog at kasing-tamis ng piaya ang pag-asa. Warning: Nakakagutom panoorin. Wag manood nang walang snacks.
Blue Moon (2006)
a.k.a. the Once in a Blue Moon Tearjerker
Kung type mong maluha habang suot ang iyong eclipse glasses, this is the movie for you: starring the titans Eddie Garcia, Christopher de Leon and Boots Anson Roa, with Jennylyn Mercado and Dennis Trillo. This multi-generational love story is proof na ang pag-ibig ay parang lunar cycle... ikot-ikot lang.
Anino sa Likod ng Buwan (2015)
a.k.a. May Madilim na Sikreto Indie
A critic fave. Shot in a single take (yes, bawal kumurap!), itong obra ni Jun Robles Lana ay tungkol sa tensyon, politika, at masalimuot na relasyon. Kung ang eclipse ay pansamantalang pagdidilim ng buwan, ang pelikulang ito ay nagpapakita ng dilim na nakatago sa likod ng ating mga pagkatao. Intense, bes.
Zarex (1958)
a.k.a. The Oldie but Goodie Movie
Bago pa nalaman ng mundo kung sino si Neil Armstrong, nasa buwan na ang mga Pinoy! Or at least, sa movie na 'to yun ang kwento. Produced by the legendary LVN Pictures, ang Zarex ay tungkol sa mga Pinoy astronauts (PINOY ASTRONAUTS?) na napadpad sa buwan at nakipag-bardagulan (read: nakipag-kaibigan) sa mga Lunarians. Black and white pa ito, kaya wag kang maghanap ng 4K resolution... kung may mahahanap ka, to begin with.
(Note: classic films are hard to find! Pa-share na lang kung may mahanap kayo sa YouTube hehe)
Recs, please!
Alin sa mga ito ang napanood niyo na? O baka naman may alam kayong iba pang "Moon" movie na wala sa listahang ito? I-comment na 'yan sa baba!


Comments