From willing to wait to no need to wait! Bilis-serbisyo sa barangay, salamat sa ‘air laser’
- Konekonek Team

- Feb 23
- 1 min read
Katulad ng ibang barangay sa Pilipinas, pandemya ang nagtulak sa Barangay Subay sa Talim Island, Rizal, na mag-level-up para ma-improve ang serbisyo nila sa kanilang mga residente, tulad ng pag-didigitize ng iba’t-ibang proseso ng barangay gaya ng pag-iissue ng barangay clearance at residency certificates.

Saksi sa pagbabagong ito ang barangay secretary ng Subay na si Luisito Ditablan. “Dati nga, naka-makinilya pa kami. Nung makinilya pa ang gamit namin, inaabot talaga ng pila.”
Pero kahit na palitan ng keyboards ang typewriters, problema pa rin ang mabagal na internet sa isla.
“Nung una talaga, napakahirap ng connection ng internet dito,” sabi ni Sec Owe. “Bago dumating ang PLDT at Smart, iba’t-ibang internet connection ang sinubukan namin.”
Nagsimulang bumuti ang connection nila nang dumating ang ‘air laser’ technology sa isla. Sa innovation na ito dala ng PLDT at Google Taara, naitatransmit ang data gamit ang laser o light beams, kaya naman hindi kailangan pang maglatag ng underwater cables para mabigyan ang Talim Island ng ‘fiber-like’ internet connection.
From ‘willing to wait’ to ‘no need to wait’
Ayon kay Sec Owe, naramdaman raw nila ang ginhawa agad. “Ngayon, click-click lang—barangay clearances, residency certificates, tapos agad.”
Ang dating pinipilahan nang matagal, kaya nang matapos within minutes—minsan, three to five minutes pa nga.
Salamat sa internet, hindi na ‘buffering forever’ ang Barangay Subay.
Isa lamang ang air laser tech ng Google Taara sa investments ng PLDT at Smart para mabigyan ng maayos na internet ang mga hard to reach areas gaya ng Talim island at iba pang GIDAs (Geographically Isolated and Disadvantaged Areas).


Comments